close

Mga Pangulo sa Ikatlong Republika ng Pilipinas

Ikatlong Republika ng Pilipinas

Ang Ikatlong Republika ng Pilipinas ay base sa Saligang Batas ng 1935 (isinulat noong 1934) at pinagtibay ng Komonwelt ng Pilipinas (1935-1946).

Ang Ikatlong Republika ng Pilipinas ay tumutukoy sa kasaysayan o gobyerno ng Pilipinas mula Hulyo 4, 1946 hanggang Setyembre 21, 1972 na nagsimula sa isang masayang seremonya sa Luneta at natapos sa isang malungkot na pangyayari, na ang patagong pagdedeklara ng Martial Law. Sa lahat ng naging republika noon, ito lamang ang masasabing malaya sapagkat ito ay opisyal na kinilala ng maraming bansa. Bagamat ang unang republika ni Aguinaldo ay masasabing malaya sa ibang aspeto, ito’y hindi kinilala ng ibang bansa at gaya rin ng Laurel (ang Ikalawang Republika) na binuo at kinilala lamang ng Alyansang Axis (Hapon, Alemanya, Italia) habang hindi kinilala ng mga ibang bansa.

Mga Pangulo ng Ikatlong Republika

Manuel Roxas (1946-1948)

Bago pa man din siyang maging unang presidente sa ikatlong republika, siya ang naging huling presidente ng Commonwealth. Isang stateman ng Capiz (sa lungsod na ipinangalan sa kanya nang siya ay namatay, ang lungsod ng Roxas) si Roxas ang nagsimulang magtayo ng economy ng isang war-born country.

Kanyang ipinatupad ang ibang top priorities ng kanyang administrasyon gaya ng: ang industriazation ng Pilipinas; ang pagpapatagal ng malapit na kooperasyon at espesyal na relasyon sa Estados Unidos (dahilan kung bakit sa panahon niya’y isang public knowledge na siya’y isang “Pro-American), ang maintenance ng batas at order at ang pagpasa sa kongreso ng batas na nagbibigay sa magsasaka ng 70% ng kabuuang kinitang ani (30% lamang sa landlord).

Ngunit noong gabi ng Abril 16, 1948, si Roxas ay namatay sa atake sa puso sa Clark Field, Pampanga matapos magbigay ng talumpati sa mga American servicemen at tagasuportang Pilipino.

Elpidio Quirino (1948-1953)

Ang bise-presidente sa administrasyong Roxas, na si Quirino ang siyang pumalit matapos ang kanyang pagpanaw. Siya ang unang Ilokanong pangulo na nagtapos sa 4 na taong termino ni Roxas at nanalo noong 1949 eleksyon. Sa kanyang administrasyon, pinakamalaki niyang pinagtuunan ng pansin ang pagpapatuloy ng pagbabago at rehabilitasyon ng ekonomiya at ang restoration ng tiwala at kooperasyon ng marami sa pamahalaan.

Kinaharap ng administrasyon niya ang isang malaking kilusang komunistang HUKBALAHAP (Hukbong Bayan Laban sa Hapon). Pinasimulan niya ang kampanya sa mga Huk.

Una, ang paglikha ng PACSA ( President’s Action Committee on Social Amelioration), mula sa pagbagsak ng ekonomiya, pangalawa ay ang paglikha ng ACCFA ( Agricultural Credit Cooperative Financing Administration) para tulungan ang magsasaka na maka-avail ng pautang na may mababang interes mula sa gobyerno, at huli ay ang pagtayo ng mga bankong rural Labor Management Advisory Board, isang presidential advisory body. Ang administrasyon niya ay nagtagumpay sa pakikipagrelasyon sa ibang bansa. Namatay siya sa atake sa puso noong Pebrero 29, 1956 sa gulang na 66.

Ramon Magsaysay (1953-1957)

Si Magsaysay ang kalihim ng National Defense sa ilalim ng administrasyong Quirino. Kanyang iniligtas ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng Huk o pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya.

Kaya si Magsaysay ay tinawag na “Tagapagligtas ng Demokrasya”  na naging sanhi ng kanyang pagiging sikat. Ilan sa kanyang mga nakamit ay ang mga sumusunod: pagsasakatuparan ng paggamit ng Barong Tagalog sa mga opisyal at sosyal na gawain na dati ay itinuturing na damit ng mahirap; pagtatag ng SEATO o South East Asia Treaty Organization, isang regional politico-military aggregation noong Setyembre 18, 1954; negosasyon sa Japan ukol sa war reparation agreement kung saan ay huling nilagdaan sa Manila; at ang San Francisco Treaty, kung saan opisyal na nagwakas sa bansang Japan at Pilipinas mula sa estado ng digmaan.

Siya ay namatay dahil sa isang plane crash na bumangga sa bundok ng Manunggl, Cebu noong Marso 17, 1957.



Carlos P. Garcia (1957-1961)

 Ang araw matapos ang malungkot na pagpanaw ni Magsaysay, ang bise-presidente na si Garcia ang siyang umupo bilang ikaapat na presidente ng ikatlong republika. Tinapos niya ang huling termino ni Magsaysay at nanalo bilang pangulo pagkatapos.

Ang bise-presidente niya ay si Diosdado Macapagal ng Partido Liberal, at siyang naging unang pagkakataon na may magkaibang partidong presidente at bise-presidente, ngunit ganoon pa man, kanyang nakamit ang mga sumusunod: ang pinalaganap ang “Filipino Muna” (First Filipino Policy); pagpapalaganap ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng mabuting pakikisama ng Bayanihan Dance Troupe sa abroad; pagrespeto sa karapatang pantao, at pagpapanatili ng malayang eleksyon.

Habang nasa kapangyarihan ang pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa mga pinuno ng bansang Amerika upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang mga hindi na ginagamit sa Base Militar ng Amerika. Si Garcia ay kilala rin na makata sa kanyang diyalektong Bisaya. Namatay siya sa atake sa puso noong Hulyo 14, 1971 sa edad na 75.

Diosdado Macapagal (1961-1965) 

Kahit siya ay kilala bilang “poor boy” mula sa Lubao, siya ay isang respetadong abogado at manunulat at epektibong manunulat. Kanyang ipinangako ang “New Era” sa bansang Pilipinas sa pamamagitan ng paggamit ng pambansang lenggwahe (Filipino) sa mga passport, selyo, traffic signs, pangalan ng bagyo, diploma ng eskuwela at iba pang diplomatic credentials, paglipat ng Independence Day ng Pilipinas sa Hunyo 12 mula sa Hulyo 4, ang pagkakalikha ng MAPHILINDO (Malaysia, Philippines, Indonesia) Organization sa isang pagkakaisang pang-ekonomiya, at ang pagpasa sa kongreso ng code noong 1963.

Humalili din siya bilang pangulo ng Constitutional Convention noong 1971 para sa pagbabago sa saligang batas. Namatay siya sa atake sa puso, pneumonia, at sakit sa kidney sa ospital ng Makati noong Abril 21, 1997 makaraan ang isang taon, ang kanyang anak na si Gloria Macapagal-Arroyo ay ipinoklamang ikaapat na presidente ng ikalimang republika ng Pilipinas dahil sa EDSA 2.

Ferdinand Marcos (1965-1972)

Si Marcos ay isang Senate President mula pa noong 1963 at matagal na panahong naging siyang kasapi ng Partido Liberal. Hiningi niya ang nominasyon ng partido bilang kandidato sa pagkapangulo noong 1965, ngunit ang kasalukuyang pangulo na si Diosdado Macapagal ang pinili ng partido.

Tumiwalag si Marcos sa Partido Liberal at lumipat siya sa Partido Nacionalista, kung saan nakuha niya ang kanilang nominasyon. Nanalo siya at si Fernando Lopez, ang kandidato ng Partido Nacionalista sa pagka-pangalawang pangulo laban kay Macapagal at Gerard Roxas sa isang landslide victory na dala-dala ang slogan na “This nation can be great again.” Siya’y naging pangulo muli sa ikalawang pagkakataon sa Pilipinas na ma-re-elect ang isang pangulo, at dahil do’n, siya’y natala bilang pangulo na may pinakamahabang termino.

Ngunit sa kabila ng magandang unang termino, ang Pilipinas ay dumanas ng malubhang krisis na pang-ekonomiya dahil sa pagtaas ng langis sa world market. Ang pangalawa niyang termino, aty napuno ng graft and corruption, krimen, kaguluhan, at pagbabanta ng komunista. Para kay Marcos, ang tanging paraan para maipanumbalik ang tiwala ng marami sa gobyerno ay ang pagdedeklara ng Batas Militar. Si Marcos ay naghayag ng proclamation No. 1080 noong Setyembre 21, 1972, at nalagay ang buong Pilipinas sa ilalim ng Martial Law, na siyang pumatay sa demokrasya at sa Ikatlong Republika ng Pilipinas.

Tags : Kasaysayan
Close Bitnami banner
Bitnami