close

Ang Alitaptap at ang Paru-paro

Isang araw habang naghahanap ng nectar ang Paru-paro ay may batang nanghuli sa kanya at siya’y pinaglaruan. Iniwan siya nitong nakabaligtad at panay ang kawag sa lupa.

Sumigaw si Paru-paro upang humingi ng tulong, narinig siya ng kaibigang Langgam ngunit dahil madami itong gawain ay iniwan siya nito. Makalipas ang ilang oras ay dumating ang kaibigan niyang gagamba ngunit hindi rin siya nito tinulungan sapagkat ayon dito ay aayusin pa nito ang bahay nito. Malapit nang gumabi ngunit nanatili pa ding nakabaligtad ang Paru-paro. Pagod at gutom ang nararamdaman nang Paru-paro.

Pinanghihinaan siyang may mga kapwa insekto pang makakita sa kanya lalo na’t magdidilim na. Hanggang sa maya-maya ay may naaninag siyang munting ilaw na papalapit sa kanya. “Anong nangyari sa’yo Paru-paro?” tanong ng Alitaptap.

“Ikaw pala Alitaptap, kaninang umaga ay nangunguha ako ng nectar ng may batang lumapit at pinaglaruan ako.”
“Ganun ba? Hayaan mo at tutulungan kita.” Sabi ng Alitaptap.

“Maraming Salamat , Alitaptap.”
Tinulungan nga ng Alitaptap ang Paru-paro at dahil doon ay nakalipad na ang Paru-paro at umuwi sa kanyang tahanang bulaklak.
Aral: Sa oras ng kagipitan ay nakikilala natin kung sino ang ating mga tunay na kaibigan.

Tags : PABULA
Close Bitnami banner
Bitnami