close

Ang Daga at ang Leon

Isang magandang araw ang bumungad sa masiyahing daga. Nasa kalagitnaan siya ng pamamasyal at paglalaro nang makita niyang himbing na natutulog ang isang malaking leon. Natuwa siya sa malawak na likuran nito na animo’y isang malaking padausdusan kaya’t naisip niyang umakyat doon at magpadausdos paibaba.

Hindi niya naman namalayan na nagising ang natutulog na Leon. Sa pagkagising ng Leon ay agad niyang dinakma sa buntot ang kawawang daga at umaktong isusubo ito, nang malapit na sa bibig ng Leon ay nagsalita ang Daga at humingi ng paumanhin. “Kaibigang Leon, ipagpaumanhin mo ang aking kalapastanganan, hindi ko sinasadyang gisingin ka sa gitna ng iyong pagtulog, labis lang akong natuwa kung kaya’t naisipan kong maglaro sa iyong likuran. Nawa’y patawarin mo ako at hayaan akong mabuhay pa. Huwag mo kong kainin sapagkat ako’y malansa at hindi ka mabubusog sa kakarampot kong katawan.” Anang Daga.

Naawa naman ang Leon sa Daga kung kaya’t pinakawalan niya ito. “Sa susunod ay wag mo nang gagambalain ang pagtulog ko. Makakalaya ka na.” Sabi ng Leon.
“Salamat Kaibigan, baling araw ay masusuklian ko din ang kabutihang loob mo.” Sabi ng daga.
“Ang isang maliit na dagang gaya mo? Ano naman kayang pabor ang magagawa mo para sa isang malakig hayop na gaya ko. Nagpapatawa ka Kaibigan.”
“Balang araw Kaibigan, matutulungan din kita. Hanggang sa muli, Paalam!” Lumipas ang mga araw na masayang namumuhay ang Daga hanggang sa minsan sumagi sa isip niya kung kamusta na kaya ang kalagayan ng kaibigan niyang Leon.

Naisipan niyang dalawin ang Leon sa tahanan nito pero laking gulat niya nang makitang nasa loob ng lambat na nakasabit sa isang puno ang malaking Leon. Agad –agad namang nginatngat ng Daga ang lubid na lambat at matapos ang ilang minuto ay naputol ang lubid at nakawala ang Leon. “Maraming Salamat Kaibigang Daga. Minaliit ko ang kakayahan mo, di ko inakala na ikaw pa ang makapagliligtas sa akin. Utang ko sa’yo ang aking kalayaan at ang aking buhay. Maraming Salamat Kaibigan!”
“Walang anuman Kaibigan, hindi ba’t sinabi ko sa’yo? Matutulungan din kita baling araw. Maliit man ako, maabilidad naman ako!” END
Aral: Huwag maliitin ang kakayahan ng isang tao batay sa kanyang anyo o laki, maliit ka man hindi ibig sabihin nito na limitado lang ang maari mong gawin.

Tags : PABULA
Close Bitnami banner
Bitnami