close

Ang Mga Akdang Pampanitikan

Mga akdang tuluyan ay yaong mga nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap.

  • Alamat – ito’y mga salaysaying hubad sa katotohanan.Tungkol sa pinagmulan ng bagay ang karaniwang paksa rito.
  • Anekdota – ito ay isang mahabang salaysaying nahahati sa mga kabanata.Hango sa tunay na buhay ng tao ang mga pangyayari at sumasakop sa mahabang panahon.
  • Nobela – Ang nobela o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba’t ibang kabanata.
  • Pabula – Ang pabula ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan.
  • Parabula – isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya.
  • Maikling kwento – ito’y salaysaying may isa o ilang tauhan,may isang pangyayari sa kakintalan.
  • Dula- ito’y itinatanghal sa ibabaw ng entablado o tanghalan.Nahahati ito sa ilang yugto,at bawat yugto ay maraming tagpo.
  • Sanaysay – isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.
  • Talambuhay – isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.
  • Talumpati – isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado.
  • Balita – ay ang komunikasyon ng mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob ng isang bansa na nakatutulong sa pagbibigay-alam sa mga mamamayan.
  • Kwentong bayan – ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae.
  • Salawikain – ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
  • Kasabihan – kawikaang nagsasaad ng ating karanasan.
Tags : PanitikanWika
Close Bitnami banner
Bitnami