MORPOLOHIYA
Ang morpolohiya ay ang pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ngpagsasama-sama ng mga ito upang makabuo ng salita. Anupa’t kung ang ponolohiya ay tungkol sa pag-aaral ng set ng mga tunog na bumubuo ng mga salita sa isang wika, ang morpolohiya ay ang pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng iba’t ibang morpema.
Katuturan ng Morpema
aling ang salitang morpema sa katagang morpheme sa Ingles na kinuha naman sa salitang Griyego – morph (anyo o yunit) + eme (kahulugan). Sa payak na kahulugan, ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. Ang ibig sabihin ng pinakamaliit na yunit ay yunit na hindi na maaari pang mahati nang hindi masisira ang kahulugan nito. Ang morpema ay maaaring isang salitang-ugat o isang panlapi. Ang lahat ng mga morpemang mababanggit ay dapat na ikulong sa { }.
Uri ng Morpema
May dalawang uri ng morpema ayon sa kahulugan. Makikita ito sa halimbawang pangungusap sa ibaba.
Anyo ng Morpema
1. Morpemang ponema. Ito ay ang paggamit ng makahulugang tunog o ponema sa Filipino na nagpapakilala ng gender o kasarian. Oo, isang ponema lamang ang binabanggit ngunit malaking faktor ito upang mabago ang kahulugan ng isang salita. Halimbawa ng salitang propesor at propesora. Nakikilala ang pagkakaibang ito sa pamamagitan ng {-a} sa pusisyong pinal ng ikalawang salita. Ang ponemang /a/ ay makahulugang yunit na nagbibigay ng kahulugang “kasariang pambabae.” Samakatwid, ito ay isang morpema. Ang salitang propesora ay binubuo ng dalawang morpema: {propesor} at {-a}. Iba pang halimbawa: