Ang Pandiwa ay mga salitang nagpapakita ng kilos o galaw.
Halimbawa
Naputol ang singsing ko.
Nahulog siya.
Nabubuo ang pandiwa sa pamamagitan ng salitang-ugat at panlapi. Ang pinagtambal na salitang-ugat at panlapi ay tinatawag na pawatas.
II. Mga Aspekto ng Pandiwa
1. Naganap na – ay mga pandiwang naganap na.
2. Ginaganap pa – ay mga pandiwang ginaganap pa.
3. Gaganapin pa – ay mga pandiwang gaganapin pa.
May mga tuntunin sa pagbabago ng pandiwa sa pamamagitan ng mga panlaping um, mag, ma, mang, an o hin, maka, an, o gan at i.
a. Ang mga panlaping ma, mag, mang, maka ay binabanghay nang ganito.
salitang ugat panlapi pawatas
salita mag magsalita
kapag naganap na, ang mag ay nagiging nag.
Halimbawa
magsalita – nagsalita
kapag nagaganap pa lamang, ang mag ay nagiging nag at inuulit ang unang pantig o
unang dalawang letra o salitang-ugat.
Halimbawa
magsalita – nagsasalita
kapag magaganap pa lamang, ang mag ay mananatiling mag at inuulit ang unang pantig o
unang dalawang letra ng salitang-ugat.
Halimbawa
magsalita – magsasalita
b. Para sa an o han, narito ang paraan o pagbabanghay sa pawatas.
salitang-utag + panlapi = pawatas
sulat + an = sulatan
sabi + han = sabihan
Naganap na – isinisingit ang panlaping in sa loob ng salitang-ugat at panatilihing ang panlaping an o han
Halimbawa
sinabihan
Ginaganap – isinisingit ang panlaping in sa salitang ugat at inuulit ang unang pantig o unang dalawang letra ng salitang-ugat. Mananatili pa rin ang panlaping an o han.
Halimbawa sinasabihan
– Gaganapin pa – ulitin lamang ang unang pantig ng unang dalawang letra ng salitang-ugat at isama sa pawatas.
Halimbawa
sasabihan
c. Sa mga pandiwang banghay sa panlaping i narito ang dapat gawin.
– Naganap na – isingit ang panglaping in sa salitang-ugat at panatilihin ang panlaping i.
Halimbawa itinago
– Ginaganap pa – isingit ang panlaping in sa salitang-ugat at ulitin ang unang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat. Mananatili pa rin ang panlaping i.
Halimbawa
tinatago
– Gaganapin pa – ulitin lamang ang unang pantig at panatilihin ang panlaping i.
Halimbawa
itatago