close

Ang Pang-abay (Adverb)

Ang Pang-abay ay mga salitang naglalarawan ng pandiwa, pang-uri o sa kapwa pang-abay.

Halimbawa:
Taimtim na nanalangin ang mga tao sa simbahan.

II. Mga uri ng pang-abay

May iba’t-ibang uri ang pang-abay.

1. Pang-abay na pamaraan – ay sumasagot sa tanong na paano. Ginagamit itong panuring sa pandiwang pang-uri at kapwa pang-abay.

Panuring sa pandiwa:
Halimbawa: Taimtim na nanalangin ang mga tao.

Panuring sa pang-uri:
Halimbawa: Sadyang masigla ang pananaw sa buhay ng lola niya.

Panuring sa kapwa pang-abay
Halimbawa: Talagang mabilis umunlad ang buhay ng mga taong matitiyaga.

2. Pang-abay na pamanahon – ay mga salitang naglalarawan kung kailan naganap ang kilos o gawain. Sumasagot sa tanong na kailan. Ang pang-abay na pamanahon ay may apat na uri:

– Payak: bukas, mamaya, ngayon
– Maylapi: kagabi, samakalawa
– Inuulit: araw-araw, gabi-gabi
– Parirala; noong nagdaang linggo, sa darating na bakasyon

3. Pang-abay na panlunan – ay tumutukoy sa lugar na pinangyarihan ng kilos. Ito ang pinangunuhaan ng katagang sa.

Halimbawa:
sa silong ng bahay
sa gitna ng daan

Tags : Wika
Close Bitnami banner
Bitnami