close

Ang Panghalip (Pronoun)

Ang Panghalip ay humahalili sa mga pangngalan. Ang Panggalip ay mula sa salitang “tao”, kayat nagpapahiwatig na “para sa tao” o “pangtao” ay nakikilala sa Ingles bilang personal pronoun. Ito ay ipinapalit sa ngalan ng taong nagsasalita, sa taong kausap at sa taong pinag-uusapan. May kailanan ang panghalip na panao. Ito ay maaaring isahan, dalawahan at maramihan.

Halimbawa

Si Josephine ay masipag.
Siya ay masipag.
(ang panghalip na “siya” ang humahalili sa pangngalang “rosa”)

 

  1. Mga Uri ng Panghalip
  2. Panghalip na Panao – ay ipinapalit sa ngalan ng taong nagsasalita, sa taong kausap at sa taong pinag-uusapan. May kailanan ang panghalip na panao. Ito ay maaaring isahan, dalawahan at maramihan.
Pinapalitang Ngalan ng Tao/Panauhan Bilang o Kailanan
Isahan Dalawahan Maramihan
Taong Nagsasalita Ako, akin, ko kita, kata Tayo, kami, natin, naming, atin, amin
Taong Kausap Ikaw, ka Kayo, inyo, ninyo
Taong Pinag-uusapan Siya, niya, kanya Sila, kanila, nila

Panghalip na Pamatlig
ay inihalili sa pangngalang nagtuturo ng lugar na kinalalagyan ng pangngalan. Ito rin ay inihalili sa pangngalan na malapit o malayo sa nagsasalita, kinakausap o nag-uusap.

Halimbawa:

Mabaho ang bulaklak.
Mabaho ito.

Malapit sa Nagsasalita Malapit sa Kausap Malayo sa Nag-uusap
ito/ ire

heto

dito

iyan

hayan/ ayan

diyan

iyon

hayun/ ayun

doon

Panghalip na Patulad

ay inihalili sa itinutulad na bagay.

Halimbawa

Ganito/Ganire – Malapit sa nagsasalita
Ganyan – Malapit sa kausap
Ganoon/Ganyan – Malayo sa nag-uusap

Panghalip na Panaklaw
ay mga panghalip na sumasaklaw sa kaisahan at dami o kalahatan ng kinatawang pangngalan.

Nagsasaad ng Kaisahan Nagsasaad ng dami o kalahatan
Isa

Isapa

Iba

bawat isa

Lahat

Tanan

Pulos

Balana

Pawing

Madla

Tags : Wika
Close Bitnami banner
Bitnami