close

EL FILIBUSTERISMO Kabanata 1: Sa Kubyerta

Tagapagsalaysay:
Isang umaga ng Disyembre, ang bapor tabo ay hirap na hirap sa pagsalunga sa agos ng paliku-likong ilog ng Pasig. Naghahatid ito ng maraming manlalakbay na patungo sa lalawigan ng Laguna.Totoong mabigat ang bapor, halos mabilog tulad ng isang tabo na pinaghahanguan ng pangalan nito. Ito ay matatawag na Daong ng Pamahalaan sapagkat niyari sa ilalim ng pamamahala ng mga Reverendos at Ilustrisimos.

Narooron sa ibaba ng kubyerta ang mga mukhang kayumanggi at maitim na buhok, mga Indio, mga Intsik, at mga mestiso. Samantalang nasa itaas naman ng kubyerta na naliliman ng lona upang hindi mainitan ng araw ang mga mangilan-ngilan na manlalakbay na nakasuot ng Europeo, mga prayle, at mga opisyal na naka-upo sa mga maginhawang silyon at ang nag-iisang ginang na si Doña Victorina.

Kapitan: “Babor!”…..”Estribor!”

Doña: “Ngunit kapitan, bakit sa dakong iyon pumupunta ang mga hangal na timonero?”

Kapitan: “ Sapagkat nakapababaw po roon ginang.” (sabay kindat)

Donya: “Bakit mabagal ang takbo? Bakit hindi tulinan?”

Kapitan: “Pagkat baka tayo maglagos sa mga bukiring iyon, ginang.”

Ang iba namang mga kasakay ay naging abala sa paghuhuntahan ng kahit na naong paksang pumasok sa kanilang isip upang maiwasan ang pakikipag-usap sa ginang.

Salvi: “Nalalaman mo ba kung ano ang kakayahan ng mga taong dalubhasa sa agham, Ben Zayb? Hayan sa lalawigan ng Puente del Capricho na ginawa ng isa naming kapatid. Hindi natapos sapagkat pinintasan ng mga sinasabi mong mga taong dalubhasa sa agham. Ayon sa pinagbabatayan nilang teorya, ang tulay ay may kahinaan, di matatag at mapanganib. Tingnan nyo ngayon, nariyan pa rin ang tulay. Hindi pa nagigiba ng baha at lindol.”

Camorra: “Iyan, putris!. Iyan talaga ang sasabihin ko (sabay suntok sa hangin). Iyang Puente del Capricho, ang mga taong dalubhasa sa agham. Iyan nga talaga ang sasabihin ko, padre salvi!.

Salvi: “Ngunit hindi nangangahulugan na wala kang gaanong katuwiran na gaya ni Padre Camorra. Ang sama ay nasa lawa.”

Dona: “mangyari’y wala ni isa mang maayos na lawa sa kapuluang ito.

Simoun: “Ang lunas ay napakadali. Totoong nagtataka ako kung bakit walang sinumang nakaisip nito. Ang lunas ay napakadali at walang magugugol na kahit isang pera Humukay ng isang tuwid na kanal mula sa lawa hanggang Maynila. Sa madaling sabi, magbukas ng bagong ilog at sarhan ang dating ilog Pasig. Makatitipid ng lupa. Mapapadali ang paglalakbay. At maiiwasan ang pagbabara ng buhangin sa ilog.

Ben: “ Isang panukalang Yankee!”

Custodio: “Ipagpaumanhin mo Ginoong Simoun, ang iginagalang kong kaibigan, na di ka sang-ayunan. Napakalaking salapi ang magugugol. At bukod sa rito maraming nayon ang masisira.”

Simoun: “Pwes, sumira!”

Custodio: “ At ang salaping ibabayad sa mga manggagawa?”

Simoun: “Hindi kailangang bayaran. Gamitin ang mga bilanggo.”

Custofio: “Hindi makasasapat ang mga bilanggo, G. Simoun.”’

Simoun: “Kung ganoon, pakilusin ang buong bayan, matatanda, kabataan at mga bata. Pagtrabahuin sila ng tatlo, apat, o limang buwan sa halip na labinlimang araw sa sapilitang paggawa, Papagdalahin sila ng sariling pagkain at kagamitan.”

Custodio: “Tingnan ninyo, bago simulan ang mga sawain sa daungan, nagharap ako ng isang panukalang orihinal, madalin gawin, makabuluhan, at matipid upang linisin ang putik at buhangin sa gulud-guluran ng lawa. Ngunit hindi tinanggap sa dahilang hindi ito makapagbibigay….nito!”

Salvi: “Maaari bang malaman ang inyong ang inyong panukala?”

Custodio: “Kung walang panganib ay ibig ninyo akong magsalita at kapag mayroon ay tahimik kayo……Nakakita na ba kayo ng pato?”

Ben: “Palagay ko’y nakapamaril ng mga iyan sa lawa.”

Custodio: “Hindi ang patong bundok ang ibig kong tukuyin. Ang tinutukoy ko ay mga itik na inaalagaan sa Pateros at Pasig. Alam mo ba ang ipinapakain sa mga ito?”

Camorra: “ Mga suso, mga susong maliliit! Hindi mo kailangang maging Indio upang malaman yan! Kailangan mo lang gamitin ang iyong mga mata!”

Custodio: “Tama, maliliit na suso! At alam nyo ba saan nakukuha ang mga ito?…Kung matagal kang namalagi sa lalawigan, tulad ko, malalaman mong nakukuha nag mga iyon sa gulud-gulurang kahalo ng mga buhangin.”

Camorra: “ At ang inyong panukala?”

Custodio: “ Iyan ang tutukuyin ko. Pipilitin ko ang mga baying magkakanugnog at malapit sa gulud-guluran ng buhangin na mag-alaga ng mga itik. Makikita nyo kung paano magpapalalim sa gulud-guluran ng mga buhangin ang mga itik. Sisisirin nila ang mga suso. Iyan ang panukala ko.”

Ben: “Mapapahintulutan ba ninyong sumulat ako ng lathalain ukol ditto? Kakaunti an gang nag-iisip sa baying ito.”

Donya: “Ngunit, Don Custodio. Kung ang lahat ay mag-aalaga ng itik, dadami ang balut! Hu! Nakakadiri! Bayaan na lamang ninyong matuyo ang gulud-guluran.

Tags : BuodPananaliksik
Close Bitnami banner
Bitnami