close

Elemento Layunin Katangian at ang mga Uri ng Nobela

Elemento ng nobela

1. tagpuan – lugar at panahon ng mga pinangyarihan
2. tauhan – nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
3. banghay – pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
4. pananaw – panauhang ginagamit ng may-akda
a. una – kapag kasali ang may-akda sa kwento
b. pangalawa – ang may-akda ay nakikipag-usap
c. pangatlo – batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
5. tema – paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
6. damdamin – nagbibigay kulay sa mga pangyayari
7. pamamaraan – istilo ng manunulat
8. pananalita – diyalogong ginagamit sa nobela
9. simbolismo – nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari

Layunin ng nobela

1. gumising sa diwa at damdamin
2. nananawagan sa talino ng guni-guni
3. mapukaw ang damdamin ng mambabasa
4. magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan
5. nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan

Katangian ng nobela

1. maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan
2. pumupuna ng lahat ng larangan ng buhay
3. dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad
4. pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili
5. binubuo ng 20 000-40 000 na salitaTemplate:Fact
6. kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan
7. maraming ligaw na tagpo at kaganapan
8. ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari

Uri ng nobela

1. Nobelang Romansa – ukol sa pag-iibigan
2. Kasaysayan – binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na
3. Nobelang Banghay – isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang ikawiwili ng mga mambabasa
4. Nobelang Masining – paglalarawan sa tauhan at pagkakasunud-sunod ng pangyayari ang ikinawiwili ng mga mambabasa
5. Layunin – mga layunin at mga simulan, lubhang mahalaga sa buhay ng tao
6. Nobelang Tauhan – binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng pangunahing tauhan, mga hangarin, kalagayan, sitwasyon, at pangangailangan
7. Nobelang Pagbabago – ukol sa mga pangyayari na nakakapagpabago ng ating buhay o sistema

Tags : NobelaWika
Close Bitnami banner
Bitnami