POSISYONG PAPEL
- Isa itong detalyadong polisiyang karaniwang nagpapaliwanag, nagmamatuwid, o nagmumungkahi ng isang partikular na kurso ng pagkilos.
- Ito’y naglalahad ng opinyon sa isang usapin, karaniwan ng awtor o ng isang tiyak na entidad tulad ng isang partidong politikal.
- Isa sa mga anyo nito ay ang liham sa patnugot
MGA BATAYANG KATANGIAN NG POSISYONG PAPEL (Axelrod at Cooper, 2013)
- Depinadong isyu
- Klarong posisyon
- Mapangumbinsing argumento
- Matalinong katwiran
- Solidong ebidensya
- Kontra-argumento
- Angkop na tono
ANG PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL
- Pumili ng paksa
- Magsagawa ng panimulang pananaliksik
- Hamunin ang iyong sariling paksa
- Ipagpatuloy nang pangongolekta ng mga sumusuportang ebidensya
- Gumawa ng balangkas
- Ipakilala ang iyong paksa sa pamamagitan ng kaunting kaligirang impormasyon. Gawin ito hanggang sa iyong pahayag na tesis na naggigiit sa iyong posisyon.
- Maglista ng ilang posibleng pagtutol sa iyong posisyon
- Kilalanin at suportahan ang ilang salungat na argumento (kung mayroong dapat na tanggapin sa iyong posisyon)
- Ipaliwanag kung bakit ang iyong posisyon ang siya pa ring pionakamainam sa kabila ng lakas ng mga kontra-argumento
- Lagumin ang iyong argumento at ilahad ang iyong posisyon
- Isulat na ang iyong posisyong papel