At dahil nga hindi madaling ipaliwanag ang mga idyoma, sinabi nina Almario et al, sa kanilang Patnubay sa Pagsasalin, na “ang mga idyoma ay parang patibong; nakatago ang panganib, hindi lantad,” at maaaring nabitag ka na ng patibong bago mo pa man mamalayan ang panganib na napasukan mo.
Mga katangian ng idyomatikong pahayag
Sinasabing idyomatiko sa isang partikular na wika ang isang pahayag kung natural ang daloy at katanggap-tanggap ang kawastuang gramatikal para sa isang taal na nagsasalita ng wikang pinag-uusapan.
Ginagamit ang mga idyomatikong pahayag sa pang araw-araw na komunikasyon, pasalita man o pasulat – mula sa mga tsikahan hanggang sa diyaryo, radyo, telebisyon, akademikong talakayan, siyentipikong paglalahad, maging sa mga nobela, kuwento, tula at iba pang anyong pampanitikan. Karaniwang maikli, matipid, at naglalarawan, ang idyomatikong pahayag ay naghahatid.
Kick the bucket – sipain ang balde? O mamatay?
To a man – sa isang lalaki? O parang iisang tao?
She has a tongue – May dila siya? O bungangera siya?o PAREHO?