close

Mga Magandang Asal ng mga Pilipino

Pagtitiwala sa Panginoon

Isang magandang asal ng mga Pilipino ang pagtitiwala sa Panginoon. Karamihan sa kanilang mga mag-anak ay matapat sa pananampalataya. Naniniwala silang may isang Panginoong pumapatnubay sa lahat ng kanilang gawain. Batid din nilang tumutulong Siya sa mga taong tumutulong sa kanilang sarili.

Pagiging Magalang

Isang magandang pag-uugali ng mga Pilipino ang pagmamano sa matatanda. Isang paraan ito ng paggalang. Karaniwang ginagawa ito ng mga bata matapos magdasal ng orasyon, pagkagaling sa simbahan, bago umalis ng bahay, kapag may dumadating o bumisitang kamag-anak o matanda, at kapag nakita at nasalubong nila ang kanilang ninong at ninang. Ipinakikita rin ang paggalang ng mga batang Pilipino tuwing nakikipag-usap sila sa matanda.  Gumagamit sila ng po at opo at magalang na pananalita at pagbati gaya ng “Salamat po” at “Magandang hapon po.” Gumagamit din sila ng magagalang na pantawag sa matatanda gaya ng kuya, ate, manong, manang, lolo, lola at iba pa.

Pagtutulungan

Nagsisimula ang pagtutulungan sa sariling tahanan. Nagtutulung-tulong ang mga kasapi ng mag-anak sa mga gawain dito. nagtutulungan din ang baway isa sa magkakapitbahay upang maisaayos at mapaunlad ang kanilang pamayanan. Iyan ay likas na katangian ng isang Pilipino. Ang karaniwang tawagan sa pagtutulungang ito ay bayanihan. Tumatawag ang magkakapit-bahay ng bayanihan kapag may malaking gawain isasagawa sa maikling panahon.

Ang pagka Makakalikasan

Pinangangalagaan ang kalikasan — hangin, tubig, lupa, kagubatan, at karagatan — likas na yaman ng bansang tinubuan Ang pagka-Makabansa Minamahal ang sarili nating bayang Pilipinas sa pamamagitan ng pagbibigay-buhay sa limang simulain ng pambansang tradisyong Pilipino: Ang pagsasarili, pakikisama, pagkakaisa, pagkabayani, at pakikipagkapwa-tao.

Ang Pagiging Matulungin

Ang Pilipino ay likas na matulungin lalo na sa mga nangangailangan di alintana ang hirap at sakripisyo kahit ang bhay na ang kapalit.

Tags : Kultura
Close Bitnami banner
Bitnami