close

Panitikan: Pagibig sa Tinubuang Lupa

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa,
Aling pag-ibig pa? Wala na nga wala.

Walang mahalagang hindi inihandog
Ng may pusong wagas sa bayang nagkupkop.
Dugo, yaman, dunong, katiisat pagod:
Buhay may abuting magkalagot-lagot

Ang nakaraang panahon ng aliw
Ang inaasahang araw na darating
Ng pagkatimawa ng mga alipin
Liban pa sa bayan saan tatanghalin?
Sa aba ng abang mawalay sa bayan

Gunita may laging sakbibi ng lumbay
Walang alaalang inaasam-asam
Kundi ang makita lupang tinubuan.
Kayong nalagasan ng bungat bulaklak
Kahoy niyaring buhay na nilantat sukat
Ng bala-balakit makapal na hirap

Muling manariwat sa bayay lumiyag
Ipakahandog-handog ang buong pag-ibig
Hanggang sa may dugoy ubusing itigis
Kung sa pagtatanggol buhay ang kapalit
Itoy kapalaran at tunay na langit
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
Aling pag-ibig pa wala na nga wala
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
Aling pag-ibig pa? Wala na nga wala .

Tags : Panitikan
Close Bitnami banner
Bitnami