close

Panitikan: Uhaw ang Tigang na Lupa ni Arceo Liwayway

Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ngkanyang dibdib at nikikinig sa pintig ng kanyang puso. Ngunit, patuloy akongnagtataka sa malalim na paghinga niya, sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahatng bagay, paghikbi…Ilang araw ko nang hindi nadadalaw ang aklatan: ilang araw ko nang hindinasasalamin ang isang larawang mahal sa akin: bilugang mukha, malapad na noo,hati-sa-kaliawang buhok, singkit na mga mata, hindi katangusang ilong, mgalabing duyan ng isang ngiting puspos-kasiyahan…

Sa kanya ang aking noo at mgamata. Ang aking hawas na mukha, ilong na kawangki ng tuka ng isang loro, atmaninipis na labi, ay kay Ina…Sa Ina ay hindi palakibo: siya ay babaing abilang at sukat ang pangungusap. Hindiniya ako inuutusan. Bihira siyang magalit sa akin at kung nagkakagayon ay maikliang kanyang pananalita: Lumigkit ka!…At kailangang ‘di ako makita.

Kailangang ‘d ko masaksihan ang kikislap na poot sa kanyang mga mata. Kailangang ‘di konamamalas ang pagkagat niya sa kanyang labi. Kailangang ‘do ko na makita ang panginginig ng kanyang mga daliri. Ito rin ang katumbas ng kanyang mariinghuwang kung mayroon siyang ipinagbabawal.Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay tigang nalupang uhaw na uhaw…

Minsan man ay hindi ko narinig na may pinagkagalitan sila ni Ama bagama’thindi ko mapaniwalaang may magkabiyak ng pusong hindi nagkakahinampuhan.Marahil ay sapagkat kapwa sila may hawak na kainawaan: ang pagbibigayan saisa’t isa ay hindi nalilimot kailanman.

Kung gabi ay hinahanap ko ang kaaliwang idinudulat ng isang amangnagsasalaysay tungkol sa mga kapre at nuno at tungkol sa magagandang ada at prinsesa; ng isang nagmamasid at nakangiting ina; ng isang pulutong ng nakikinigna magaganda at masasayang bata. Ngunit, sa halip niyon ay minalas ko si Ama sa kanyang pagsusulat; sa kanyang pagmamakinilya; sa kanyang pagbabasa.

Minamasdan ko kung paano niya pinapangunot ang kanyang noo; kung paano niya ibinubuga ang asongnagbubuhat sa kanyang tabako; kung paano siya titingin sa akin na tila mayhinahanap; kung paano niya ipipikit ang kanyang mga mata; kung paano siyamagpapatuloy sa pagsulat…

Si Ina ay isang magandang tanawin kung nanunulsi ng mga punit na damit; kungnag-aayos ng mga uhales at nagkakabit ng mga butones sa mga damit ni Ama. Sa kanyang pagbuburda ng aking mga kamison at panyolito – sa galaw ng kanyangmga daliri – ay natutunghan ko ang isang kapana-panabik na kuwento.

Tags : Panitikan

1 Comment

  1. "They fabricated things appear for themselves." So states columnist Shelley Emling about backstab Nobel Prize champ Marie Curie and her appropriately amazing daughters, Eve and Irene. Many humans bethink that Marie Curie the Nobel Prize for both allure and physics.

Comments are closed.

Close Bitnami banner
Bitnami