close

Panunuri ng Dulang Pantanghalan “Ang Guro”

Ang Guro

I. Ang eksenang naibigan ko sa palabas na Ang Guro ay yung nakapag-tapos na sila ng kanilang pag-aaral sa hayskul ngunit may isang studyante dun na sobrang lungkot dahil hindi dumating ang kanyang mga magulang sa araw ng kanyang pagtatapos. Naibigan ko po ito dahil ito din po ang nangyari sakin nung ako ay nakapag-tapos ng pag-aaral nung nakaraang taon habang ito ay pinapalabas ako din po ay napaiyak dahil ito rin ay aking naranasan.

II.

A. Si Yul siya ang studyanteng nag-hintay sa kanyang mga magulang sa araw ng kanilang pagtatapos ngunit hindi dumating at siya din ay hindi sinusuportahan ng kanyang mga kamag-anak. Pero kahit hindi siya sinuportahan ng kanyang mga kamag-anak siya pa rin ay nag-sumikap at nakapag tapos ng kanyang pag-aaral.

Si Myra ang studyanteng puro pagpapa-ganda lang daw ang inaatupag ngunit pinatunayan niya sa mga tao na mali ang kanilang mga iniisip tungkol sakanya siya ay hindi sumuko at nakapag tapos ng kanyang pag-aaral at naging isang guro.

Si Klein ang studyanteng nag rebelde at naligaw ng landas dahil sa kadahilanan na walang paki-alam sakanya ang kanyang mga magulang ngunit siya ay tinulungan ni Ms. Resuntoc.

Si Ms. Amelia Resuntoc ang huwarang guro na lubos na nagmamahal sakanyang mga studyante laging umiintindi at hindi niya pinapabayaan ang kanyang mga studyante lagi siyang nandyan sa oras ng kanilang mga pangangailangan siya din ang nagsilbing inspirasyon ng kanyang mga studyante.

B. Sa Airport ang mga dito naganap ang pangayayaring nag-aantay ang mga dating studyante ni Ms. Resuntoc sakanya dahil siya uuwi na galing Singapore ngunit ng dumating ang ina ni Ms. Resuntoc at sinabi sa mga dating studyante nito ang masamang balita na patay na pala ang kanilang dating guro at isa isa nilang sinariwa ang ala-ala nito at sila ay nagsiiyakan na. Sa isang silid-aralan inalala ng mga studyante ni Ms. Resuntoc ang kanilang mga alaala dito nung sila ay hayskul pa lamang.

III.

A. Lahat ng tauhan ay magagaling sa pagganap maayos nilang naisagawa ang papel na binigay sakanila ng kanilang director.Wala naman po akong masasabing mga negatibo sa pagganap ng mga tauhan sa palabas dahil ito po ay aking nagustuhan.

B.Maganda naman ang mga naganap sa palabas maayos at kahanga-hanga malawak ang kanilang pinag-ganapan ng palabas. Ngunit ang aking napansin ay parang kulang sila sa mga props.

C. Maayos po ang kanilang mga salitang binigkas at pinagsasabi dahil naintindihan ko naman po sila. Wala din po akong negatibong masasabi tungkol dito.

D. Maayos at maganda ang mga sikwens o pagkakasunod ng mga pangyayari sa palabas na ito dahil ito ay aking naintindihan at naibigan. Wala naman din po akong negatibong napansin.

E. Magaling at maganda ang pagkaka direksyon sa palabas dahil may mga pangyayari din sa palabas na nangyayari din sa ating tunay na buhay. Wala din naman po akong negatibong masasabi tungkol dito.

IV.

A. Ang pangkaisipan o tumatak sa aking isip ay yung dapat nating pahalagahan ang ating pag-aaral dahil tanging edukasyon lamang ang nag-iisang bagay o yaman sa atin na hindi pwedeng nakawin sa atin ninuman.

B. Ang damdaming nangingibaw sa akin ay saya dahil pagkatapos kong panuorin ang palabas marami akong natutunan at mga maling nagawa na dapat ng itama sa aking buhay ngayon.

C. Ang asal naming aking nakuha ay dapat tayong maging responsableng studyante at maging matatag sa ating buhay hindi dapat tayo kaagad sumusuko sa anumang pag-subok na dumadating sa ating buhay datapwat gawin natin itong inspirasyon upang maabot natin ang ating mga pangarap.

V. Ang rekomendasyon naman aking maibibigay tungkol sa aking napanuod na pagtatanghal ay dapat nating pahalagahan at igalang ang mga guro sa ating bansa dahil isa sila sa mga susi sa ating tagumpay dahil kung walang guro wala tayong matututunan walang magtuturo sa atin ng mga importanteng bagay na dapat nating malaman o matutuhan. Sila na din ang nagsisilbing ating mga pangalawang mga magulang. Ang mga studyante naman na katulad ko ay dapat naming gampananan ang aming responsibilidad na mag-aral ng mabuti upang makapag-tapos kami sa aming pag-aaral upang makamit namin ang aming mga pangarap sa buhay at maging maganda ang aming kinabukasan.

Tags : Buodkwento
Close Bitnami banner
Bitnami