close

She’s Dating the Gangster Summary (Tagalog Project)

I. Tauhan

  • Athena Dizon (LoveBabe): 17 taong gulang na Korean-cultured na dalaga at umuwi ng Pilipinas upang magpatuloy sa pag-aaral sa Southwell High. Siya ay maganda, simple, matalino at umibig sa isang binatang di niya inasahang kanyang iibigin.
  • Kenji de los Reyes (SexyLove): Ang iyong tipikal na “bad boy” at campus heartthrob sa Southwell High. Siya ang tipikal na gwapo, sikat, umiinom, naninigarilyo, at umibig na tinatago sa kalooban. Hindi niya gaanong nabantayan ang kanyang nararamdaman at nalaman na lamang na minamahal nap ala niya si Athena Dizon.
  • Athena Abigail “Bee” Dizon : Dating girlfriend ni Kenji de los Reyes at sobrang nahirapan siya na mag-move-on sa paghihiwalay nila kahit na may ipinagpalit siyang ibang lalaki kay Kenji. Isa siya sa mga naging pagsubok nina Athena at Kenji sa kanilang pag-iibigan.
  • Lucas — : Naging boyfriend din ni Abigail at ipinalit ni Abi kay Kenji. Naging malapit na kaibigan rin ni Athena di kalaunana at ang naging sanhi ng pagseselos ni Kenji.
  • Sara Jung: Ang bestfriend ni Athena mula pa noong kinder pa lang sila. Siya ay isang Korean at naging kasa-kasama ni Athena mula pagkabata hanggang pagtanda.
  • Jigs Matic, Grace Matic, Kirby Araneta: High School friends nina Athena at Kenji.

II. Buod

Nagkaroon ng kasunduan sina Athena at Kenji na magpapanggap si Athena bilang girlfriend ni Kenji upang magselos ang ex nito na si bee at muling magbalik sa kanya. Noong una ay sobrang naiinis si Athena sa kanyang “boyfriend” at lagi silang nagsisigawan at nag-aaway hanggang sa malaman nila nahulog na pala ang loob nila sa isa’t isa at ipinawalangbisa na nila ang kanilang kasunduan. Nagsimula silang masaya nang may pasulpot-sulpot na problema, naging hottest couple in the campus pa sila at hanggang sa bumalik ang presensya ni Abigail at pumagitan ulit sa kanila. Nagkroon sila ng mga paakyat-baba sa kanilang relasyon, maraming luhng tumulo, at maraming nangyari na nagpabago sg takbo ng buhay nilang lahat. Sa huli, hindi pa rin naghiwalay aina Athena at Kenji, maging kamatayan man ang kapalit.

III. Kronilohikal na Pagkakasunod-sunod

A. Simula

Nagsimula ang kwento nila noong inakala ni Kenji na si Athena Dizon ay si Athena Abigail Tizon na tinatawag niyang bee. Itinext niya ito at humingi ng tawad at hiniling na makipagkita sa kanya ngunit nairita si Athena at at nagpanggap ngang si “Athena” na tinutukoy ni Kenji.

Gumawa si Kenji ng kasunduan na magpapanggap si Athena bilang girlfriend niya hanggang sa makuha nya muli si Abigail ngunit sa araw-araw na pagsasama nila at pagde-date ay parating puno lamang sila ng away at sigawan.

B. Gitna

Nagkaroon na nga ng magandang pagtitinginan ang dalawa at tinaggal na nila ang deal sa kanilang relasyon. Nagmahalan na sila at nagsaya sa mga sandaling magkasama sila. Ngunit bumalik si Abigail at nagmakaawa sa pagmamahal ni Kenji.

Patuloy pa rin palang naguguluhan si Kenji sa kabila ng pagmamahalan nila ni Athena kaya’ dumating ang panahon na iniiwan niya si Athena para kay Abigail dahil may cancer si Abigail. Dito rin ang punto na kung saan ay nalaman na sa mga eksaminasyon ng mga doctor na lumala ang sakit ni Athena.

C. Wakas  

Nalaman na ni Kenji ang tunay na dahilan kung bakit sumulat si Athena kay Kenji na may mahal na siyang iba ay para lamang protektahan si Kenji dahil ang itinuturong dahilan ng mga mga magulang ni Abigail kunbg bakit hindi siya umiinom ng gamot ay si Kenji. Kahit may sakit sa puso si Athena at kailangan din niya si Kenji ay nagbigay daan siya. Ngunit, mas malakas ang tawag ng puso at sa huli ay nagsama rin sina Athena at Kenji. Hindi nabanggit kung nakatuloy sila sa kolehiyo ngunit kinasal sila. Nagsama sila kahit sa anumang oras ay malaki ang posibilidad na mamatay si Athena dahil sa kanyang heart failure mula pagkabata na lumala habang nagdalaga.

Namatay nga si Athena at nag-iwan ng video para sa asawa ngunit hindi kinaya ni Kenji at sinabing hindi na kailangang maghintay ng matagal ng kanyang asawa at susunod siya. Nagpakamatay din si Kenji at umasang magsasama at magiging maligaya sila ni Athena kahit sa kabilang buhay pa man.

IV. Kabisaan

A. Bisang Pandamdamin

Tunay na mabisa ang kwentong ito at talagang tumatagos sa puso ng mga kabataan lalo na sa panahon ngayon na may tunay p talagang mga taong kayang magmahal ng lubusan. Sa katunayan, noong una ko itong nabasa ay nadala ako ng kwento at naiyak sa mga pangyayari.

B. Bisang Pangkaisipan

Sa kabila ng mga panlabas na anyo ay may mga tao (particular sa mga lalaki) parin ang marunong magmahal. Hindi lahat isa lamang ang gumagalaw, nagsasakripisyo at nagmamahal sa isang relasyon kundi dalawa. Sa kahit anumang aspeto ay malalman natin na ng pangako ng pag-ibig, basta’t wagas at totoo, ay walang makakapigil kahit anumang pansalag ang iyong iharang, maging ito man ay kamatayan. Ang pag-ibig ay dumarating sa di inaasahang panahon at sa di inaasahang tao. Kailangan nating matutong maghintay at darating ito sa panahon na gugustuhin ng Panginoon.

Tags : BuodFilipino

17 Comments

Comments are closed.

Close Bitnami banner
Bitnami